Wednesday, April 28, 2010

From Bob Ong..


"mangarap ka at abutin mo ito. wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis... kung may pagkukulang sayo ang magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde, tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili-kili... sa bandang huli, ikaw din ang biktima... rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili..."

“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”

"hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

“Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko"

“Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan.In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!

“Ang tenga kapag pinag dikit korteng puso. Extension ng puso ang tenga, kaya kapagmarunong kang makinig, marunong kang magmahal..”

“hindi ako takot na malaman ang pananaw nila, dahil sa huli opinyon ko rin naman ang masusunod..”

“Ang trahedya ng buhay ko? Hindi ako nagkaroon ng kapangyarihang makapagsabi ng tamang bagay sa tamang tao sa tamang panahon”

“Ganyan talaga ang tao, pipilit-pilitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.”

“Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.”

“Babae,wag mo spoonfeeding asawa mo, magiging mahina siya… Wag Ka din dumipende sa kanya,pag iniwan ka, kawawa ka.”

“Nakakatakot nga na mapagkamalang hindi ka pwedeng mahalin, o mapagkamalian kang mahalin dahil sa itsura mo.”

“Natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan na apektado ka ng salita.”

“Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ng maraming tao para makabuo ng mundo e. Minsan, isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.”

“Sa kolehiyo, maraming impluwensya ang makikita. Masama o mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.”

“Sa kolehiyo, maraming impluwensya ang makikita. Masama o mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.”

“Ang kakulangan ng katauhan ko, pinunan ko ng pagiging makatao.”

“Minsan, kailangang ituro ng mundo sa’yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.”

“Mahirap isipin ang mga bagay na kung ikaw mismo e hindi mo maipaliwanag sa sarili mo….”

“Walang bayaning makapagliligtas sa akin dahul ang pinakamalaking kalaban ko ay ang sarili ko.”

“Sabi ni Exupery, ang pinakamahalagang bagay sa mundo, hindi nakikita ng mata..”

“Sa mga taong di nagpaparamdam sa kanilang mga kaibigan e mabuting patayin nalang namin kayo para magparamdam kayo.”

“Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.”

No comments:

Post a Comment